September 28, 2007
junk tofi
Ipaglaban ang karapatan ng mga kabataan na makapag-aral!Hindi ba maaaring makapag-aral sa mababang halaga? Saan napupunta ang pondo ng gobyerno na dapat ay inilalaan sa edukasyon?
Nakisama kami sa rally kanina. Pero hindi rin naman naibaba ang hatol kung itutuloy ay TOFI o hindi. Sa susunod na buwan na lang daw.
Tuition fee increase nanaman, salot talagang salot, kasalut-salutan!
UPLB, tunay, palaban, makabayan!
Iskolar ng bayan, ngayon ay lumalaban! Ayeen scribbled her way at5:49 PM
September 13, 2007
its been quite a while
And it's been 3 months. Well, almost.A lot has happened and a lot has been going on.
Matatapos na ang isang sem.
Pressure to the max.
Kailangan ko pumasa sa Fil20. Kailangan maganda ang final paper ko. Hmmm...good luck sa akin.
Kailangan hindi bumababa sa tres ang grado ko sa NASC6 sa kahit ano.
Kulang pa ang binigay na units sa akin for next sem. Maraming salamat sa system one na napaka ayos ng sistema. [Sarcastic]
Wala pa akong CWTS at kahit anong AH next sem. Comm Arts kasi ako tapos puro MST binigay sakin. Duh.
Pag di ako na-enlist sa mga pina-waitlist ko, super prerog na ko. Baka magtaktak pa ko. Naku naman.
Eng4 major course ko next sem. Bali-balita na mahirap daw. World Literature. Chismis din na one book per meeting ang dapat basahin.
Malalate pa ata ako dahil nga wala akong AH. Kailangan ko ng Eng2 amd Spcm1. Pre-req ko yun sa maraming major courses.
Badtrip.
Yung nawawala kong blockmate, yung Grace, non-existent pala. Biruin mo yun? Eh sino pala yung nagtext sakin na nag-order ng block shirt? Ooooh, multo ata.
Ang dami ng naghahanap sakin kay Brent. Wala po siya sa bulsa ko. Na sa ospital pa ata, may amoeba pa sa katawan. Pero papasok na rin daw next week.
Si Redj gaga talaga. Naku Redj, ang daldal mo. Haha
Di ko alam kung kailan ako makakapag update ulit. Hehe :) Ayeen scribbled her way at5:49 PM