March 13, 2007
the heart
It's funny how when your heart gets too tired, it eventually just stops loving like it used to. It just turns you...numb.I mean, no matter how much you would want for the feeling to stay (although I don't really get it why people want to hold on to a feeling that isn't reciprocated), it just won't. When your heart grows too tired, let it rest.
You might have found your great love with someone but if that someone didn't find great love in you, then let it go. Find your second great love. As Angelica put it in Win a Date with Tad Hamilton, when a great love is rejected, something inside a man dies and the next thing that he would do is find his next great love.
Or you could also have the option not to find your next great love. But then, you'll also probably end up growing old all alone. Now, we wouldn't want that, do we?
The point is, the heart gets tired, even if the love one feels is so great, if not reciprocated, the feeling would eventually wear out. It might take years, even lots of years, but it will. Or in some cases, the feeling might still be there but the intensity wouldn't just be the same.
Best thing to do: move on. There's just no use holding on to someone who doesn't love you back. Yes, it won't be easy, because the heart is a stupid organ, which wants to beat no matter how much you want to make it stop.
Natunaw na Pagkakataon?
Minsan gusto kong itapon ang oras, tulad ng isang ginusot na papel. Kukunin ko ang bawat segundo at buburahin ang mga ito gamit ang aking sariling mga palad. Patuloy na lulubog at sisikat ang araw, iibig ang mga puso at malalagas ang mga dahon ngunit ang oras ay mawawala. Ito ay aking nanakawin at aangkinin.
Gagawa ako ng aking sariling oras. Gagawin kong araw ang gabi at ang gabi, araw. Walang makapipigil sa anumang nais kong mangyari, pagkat ang bawat minuto ay na sa aking mga palad. At sa bawat pagtiklop ng aking mga kamay, maaari kong patigilin ang mundo sa kanyang paggalaw.
Kay bilis ng oras, hindi ko namalayan na ilang taon na rin pala ang nagdaan. Ilang taon ang aking nasayang? Ilang taong panghihinayang? Sa bawat paggalaw ng orasan at pagtilaok ng manok, ay mas lalo lang umiigting ang katanungan sa aking isip. Ang nag-iisang katanungan na kahit kailan ay hindi na masasagot pa. Kahit anong iwas ko at kumbinsi sa aking sarili na hindi na mahalaga pa ang kasagutang ninanais ko, tila ba pinagtataksilan ako ng aking pagkatao.Pagkat sa bawat pagkakataon na sinusubukan kong sagipin ang sarili ko, mas lalo lamang akong nalulunod. Nalulunod sa isang katanungan.
Sa dinamirami ng pagkakataong ipinagkaloob sa akin, wala akong ibang ginawa kundi sayangin ang mga ito. Parati kong iniisip na ang mga ganitong oras ay tulad ng hangin na nariyan lamang at kahit kailan ay maaaring langhapin. At ito ang pinakamalaking pagkakamali na pinaniwalaan ko, pagkat ang pagkakataon ay di tulad ng hangin. Ito ay tila isang bahaghari na miminsanan lamang magpakita at kailangang sundan agad ng mga mata upang hindi na makawala pa. Ngunit ano ang alam ko tungkol sa mga bahaghari noong mga panahong iyon? Wala. Dumating ang bahaghari, ngunit ito’y hindi ko sinundan ng tingin at nakawala.
Pinaniwalaan ko ang mga gusto kong paniwalaan. Nagpanggap akong bingi at bulag, kunwaring hindi nakakarinig at nakakakita, ngunit sa katotohanan ay alam ko, ng buo kong pagkatao, kung ano ang talagang nangyari. Ngunit pinili kong paniwalaan kung ano ang huwad, mas pinili kong magsinungaling sa aking sarili. Pinaniwala ko ang utak at puso ko sa isang kasinungalingan. Ang kasinungalingang ito ang nabigay daan upang makapaghukay ako ng aking sariling libingan. Dahil sa bawat pagsisinungaling ko sa aking sarili ay katumbas ng isang kapos na hiningang may kasamang kirot mula sa aking dibdib. At buhat noon hanggang ngayon, ay kinakailangan kong harapin ang bawat sikat ng araw na ganito ang nadarama. Nababago ba ang kapalaran o sadyang ganito na ang nakaguhit sa aking mga palad?
Ano ang dapat kong gawin para bumalik ang oras? O di kaya nama’y magtanggal sa kalendaryo ng isang araw na aking kinamumuhian? Sapagkat ngayong araw na ito, sampung taon na ang nakakaraan, ang naging katapusan ng buhay ko. At paulit-ulit akong namamatay sa bawat taong dumaraan. Bangkay akong naglalakad sa mundong ibabaw. Kung may ginawa ba ako, sampung taon na ang nakakaraan, maiiba ba ang aking kapalaran?
Nagpapatuloy ang paghinga at pagtibok ng puso ko ngunit ako’y kulang. Nabubuhay ako dahil lamang nagpapatuloy ako sa pag gising at pagsalubong sa bagong araw ngunit ano ang halaga ng bawat araw na ibinibigay sa akin kung ang tunay kong buhay ay matagal ng wala? Ang buhay ko ang ninakaw ng kapalaran mula sa akin. Galit ako sa kapalaran. Ngunit higit na galit ako sa aking sarili. Pagkat hinayaan kong dayain ako ng kapalaran. Nagpatalo ako sa kanya nang hindi man lang lumalaban. Duwag ako. Oo, duwag ako. Kaya wala rin naman akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Ako ang natakot; ang hindi naniwala. Sana man lang, nalaman ng buhay ko kung gaano siya kahalaga sa akin.
Sampung taon na ang nakakaraan at hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa akin ang lahat ng aking nadarama. Ilang beses ko na bang tinangkang patayin kung ano man ang na sa aking puso? Ilang beses ko na bang tinangkang linlangin ang sarili ko? Araw-araw, patuloy akong nakikipagtuos sa aking damdamin ngunit parating siya ang nagwawagi.
Alam kong marami ng oras ang nasayang. Kaya nga’t ang oras ay gusto kong angkinin at ilagay sa aking mga palad. Gusto kong huminto ang oras para sa akin at sa aking buhay. Kaming dalawa lamang ang gagalaw at ang mundo’y magiging amin kahit panandalian lamang. Gusto kong ibalik ang dati, ang kami.
Buhay ko, bigla kang umalis sa mundo ko. Kung gaano katagal ang inilagi mo sa puso ko ay siyang bilis ng pagkawala mo. Ano ang nangyari sa ating dalawa? Kailanma’y hindi ko inisip na ganito ang ating magiging kapalaran. Naniwala ako na sa huli ay tayo ngunit ako’y nagkamali.
Sinabi mong mahal mo ako ngunit ano nga ba ang tunay mong nadama para sa akin? Tunay nga bang ako’y minahal mo? Noong sinabi mo ang mga katagang nagpabilis sa pagtibok ng aking puso, hindi ako naniwala. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil gusto kong maka siguro. Ano ang alam ko kung ang mga sinabi mo’y pawang biro lamang? Ngunit sa huling pagkakataong tinanong ko kung sino ang tunay na nilalaman ng puso mo, ako’y hindi mo sinagot. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng katahimikang iyon. At hanggang ngayo’y nananatili ang tanong sa akin – ako ba ay minahal mo? Ang iyong pananahimik ang siya ring naging dahilan kung bakit ang nadarama ko para sayo’y nanatili sa aking loob. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Ngunit minahal kita—at hanggang ngayo’y mahal pa rin kita.
Sampung taon na ang nakakaraan, sinabi mo sa akin na natagpuan mo na ang buhay mo. Di mo lang alam na sa likod ng aking mga nagkukunwaring mga ngiti ay ang mga luhang galing sa aking puso. Kung noong bago ka tuluyang nakawin sa akin ng kapalaran ay sinabi ko ang nadarama ko para sa’yo, buhay ko, iiwan mo ba siya? Babalik ka ba sa akin?
Gustuhin ko man huminto ang oras ay tila wala rin namang silbi. Mahirap man para sa akin na makita ang buhay kong masaya sa buhay niya, kailangan kong tanggapin. Ngunit buhay ko, sana’y alam mo na ang puso ko’y patuloy na tumitibok para sa iyo.
Buhay ko, nalulunod ako. Sagipin mo ako sa huling pagkakataon; sagutin mo ang pinakamalaking tanong sa buhay ko. Kung naniwala ako sa’yo at sinabi kong ikaw ang dahilan ng pagtibok ng puso ko, ang dapat bang magkasama ngayon ay ikaw at ako?
updates
I've been ignoring this blog and I do feel guilty about it. It's just that I've been so busy and you know, I am graduating, so I need good grades. (Yeah right, I've been too lazy to study. haha) But I promise to update as much as possible. Ayeen scribbled her way at6:12 PM