<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d38108047\x26blogName\x3dall+the+world\x27s+a+stage\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://sensible-gobbledygook.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://sensible-gobbledygook.blogspot.com/\x26vt\x3d-6600818924577467202', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

February 26, 2007


pagpapanggap
Mapagpanggap ka ba? Mahlig ka bang magsuot ng maskara upang itago kung ano ang totoo? Naranasan mo na ba kung paano magpanggap? Mahirap. Dahil kahit anong tago mo sa loob ng maskara mo, alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo.

Oo, mapagpanggap ako. Nagpanggap ako. Hindi ko nga lang alam kung paniwalang-paniwala sila sa pagpapanggap ko. Hindi naman kasi ako magaling na artista. Pero kahit anong sabi nila sa akin na nagkukunwari lang ako, kapag inamin ko na sa kanila na oo nga, may suot lang akong maskara, nagugulat pa rin sila. Ang labo noh? Sila na nga 'yung nagsasabi kung ano 'yung tingin nilang totoo, tapos pag nalaman nila na tama sila, 'di sila makapaniwala.

Wala lang, parang ayoko na rin magtago sa loob ng maskara. 'Di mo maigalaw 'yung mukha mo. Matututo kang huwag magpakita ng emosyon.

Oo, sige, aamin na nga ako. Totoo lahat ng bintang niyo. Noon pa. Pero ngayon, hindi ko na alam. Dahil sa totoo lang, nakakasawa na rin naman. Di lang 'yun, nakaka pagod. Tingin niyo bakit bigla na lang hindi ko kinausap 'yung walang kwenta? Dahil wala lang? Dahil trip ko lang? Tss. Malamang alam niyo na kung ano ang sagot.

Ayoko na rin kasi. Tama na, pwede ba? Ilang taon na ba? Oo, TAON! Hindi lang buwan, taon. At hindi lang isang taon. Dalawa? Ewan.

Pero ngayon, hindi ako sigurado pero parang wala na talaga. Manhid na. Siguro nga ganoon kapag matagal kang na sa loob ng maskara. Biglang isang araw, matututo ka na lang na hindi makaramdam ng kahit anong emosyon.

Dati naman manhid talaga ako. Bato. 'Yung wala talagang nararamdaman. Tapos biglang naging marupok ako. Nakaramdam ako bigla ng sobrang sakit. Pero nakaramdam rin naman ako ng sobrang tuwa. Sa totoo lang, mas gusto ko na 'yung may nararamdaman ako kaysa wala. Para kasing hindi ako tao. Pero sa sitwasyon ngayon, mas gugustuhin ko na ulit maging bato. 'Yung batong kahit anong tapon mo, hindi nadudurog.

Sa mga umaasa, huwag na kayong umasa. Gumising na tayong lahat sa katotohanan. Ako nga simula't sapul, hindi umasa eh. Hindi naman mangyayari 'yung mga inaasahan ninyong mangyari. One way nga lang kasi. Hindi mutual. Okay?

Pero wala na rin akong pakialam. Seryoso ako, halos wala na kong maramdaman. Hindi na tulad ng dati. Kasi ako mismo sa sarili ko, hindi ko na gustong ipagpatuloy. Kasi wala rin naman akong mapapala.

Itatanong niyo kung naapektuhan ako dati? Oo. Kaya nga nawala 'yung pagkamanhid ko eh. Parang dun ko nga lang talaga unang naramdaman 'yung sinasabi nilang "masakit." Dati kasi iniisip ko lang kung paano 'yung pakiramdam na 'yun eh. Hindi pala masarap. Pero ngayon, ni hindi na nga rin ako nasasaktan. Siguro. Ewan ko.

Now, I think feel nothing more than apathy. Pero sinong nakakaalam, baka mamaya meron pa pala. Kahit ayoko na.

Ayeen scribbled her way at9:15 PM

February 12, 2007


Tatlong Segundo
Ni Renee Juliene M. Karunungan

Dug-dug. Dug-dug. Naririnig ko ang puso kong pumipintig na malakas pa sa tunog ng tambol.

Dug-dug. Dug-dug. Nilalamig ang mga kamay ko. Mula sa dulo ng aking mga daliri ay para bang may kuryenteng dumadaloy papunta sa aking buong katawan. Ayan nanaman siya, dumarating papalapit sa akin. Ganito na lamang ang parating nangyayari kahit na dalawang taon na simula noong una ko siyang makita.

Oo, dalawang taon, dalawapu't apat na buwan, isang daan at apat na linggo, at pitong daan at tatlumpu't araw na ang lumipas at ganito pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang papalapit sa akin. Wala pa ring nagbago. Ang kaba sa aking dibdib, panlalamig ng aking mga kamay at ang kung anong nararamdaman ko sa aking tiyan na tila ba ang aking bitukang tumatalon rin sa tuwa tuwing nakikita siya ay hindi pa rin nawawala.

Ito ang aming tagpuan. Dito kami parating naglalakad. Dito siya bumibili ng mga sorbetes at lobo, dito rin ako nakakatanggap ng mga sorbetes at lobo. Dito siya pumipitas ng mga bulaklak, dito rin ako binibigyan ng paborito kong mga bulaklak.

Unang hakbang. Ikalawang hakbang. Papalapit na siya ng papalapit sa akin. Dug-dug-dug. Dug-dug-dug. Pabilis na rin ng pabilis ang pintig ng aking puso. Palakas na rin ng palakas ang tunog nito, nakakabingi.

Ang sarap niyang pagmasdan. Ang kanyang tindig, paglakad, pag-ngiti, lahat ay perpekto.

Marahil sa iba ay ordinaryong lalaki lamang siya. Aminado naman ako na siya yung tipo na hindi kukuyugin ng mga babae. Hindi siya kagwapuhan at hindi rin naman katangkaran. Hindi siya yung tall, dark and handsome, ika nga. Kaya nga hindi ko rin alam kung ano ang gayumang pinainom niya sa akin at nahumaling ako sa kanya.

Ikatlong hakbang. Ika-apat na hakbang. Kaunti na lang at abot-kamay ko na siya. Mukhang masaya siya ngayon. Mukhang may sorpresang nag-aabang para sa akin. Ano kaya iyon? Baka naman... Parang ayoko nang malaman.

Ayoko sa mga sorpresa niya. Ayokong nagbibigay siya ng mga rosas o ng kahit anong bulaklak. Ayokong umaakbay siya. Ayokong bigla na lamang siyang manghahalik. Ayokong susulpot na lamang siya sa kung saan na may dala-dalang pagkain para pagsaluhan. Ayokong bibili siya ng sorbetes pagkatapos ng malungkot na araw. Ayoko. Naiinis ako sa mga ginagawa niya.

Ika-limang hakbang. Ika-anim na hakbang. May dala siyang mga bulaklak at tsokolate. Ngiti. Kaway. Ngumiti rin ako ngunit hindi ako kumaway. Tumingin ako sa aking kaliwa. Sabi ko na nga ba.
Ayoko sa mga sorpresa, kung hindi rin lang ako ang susorpresahin niya.

Ika-pitong hakbang. Wala na. Lumagpas na siya sa akin. Tapos na naman ang tatlong segundong kaligayahan ko.

Parehas tayo ng nilalakaran. Dito ka bumibili ng mga sorbetes at lobo para sa kanya. Dito ka pumipitas ng mga bulaklak para sa kanya.Para sa kanya. Lahat para sa kanya. Bakit parati na lang siya, na wala naman ibang alam kundi saktan ka? Na hindi ka naman pinahahalagahan?

Gusto ko rin ng mga bulaklak, sorbetes at lobo. Gusto ko galing sa iyo, hindi galing sa iba. Ako naman ang surpresahin mo. Ako, na andito lang at kahit kailan ay di ka iniwan.
Dito ka dumadaan sa harap ko. Araw-araw. Bakit hindi mo ako makita?


Dalawang taon, dalawapu't apat na buwan, isang daan at apat na linggo, at pitong daan at tatlumpu't araw. Hindi ko man lamang natanong kung ano ang pangalan niya.

Bukas ulit.

Ayeen scribbled her way at11:08 AM

February 04, 2007


love month
Happy Love Month!

I always thought that February is the sweetest month. And I always thought that 14 is a nice number for anniversaries. Of course, this is due to the fact that Valentine's Day is celebrated during February 14. I always loved February...and kind of hated it as well.

This month also reminds me that I have zero love life. While everyone else is out on a date or being given flowers, chocolates and teddy bears (the really BIG ones, mind you), I am one of those who try to get senti or kilig on their own. You know, the listening to love songs, watching romantic flicks and reading love stories imagining-myself-as-the-girl-the-guy-falls-in-love-with thing? Yeah, that's it.

Raya, one of the grade four students we taught, asked me, "Ate, 'di ba pag fourth year na, may boyfriend na?" And I answered sternly, as if trying to defend myself from a crime I didn't do, "Hindi ah! Hindi naman ibig sabihin fourth year ka, may boyfriend ka na!" Talk of being defensive.

I wonder why when we were little kids, we always think that when you get to high school, you get to have a boyfriend. When I was a kid, I thought that 15 was old enough for s girl to have a boyfriend. I always thought that maybe at the age of 15, I'd have one. Well, I got through 15, I am now 17, and still never had a boyfriend, I can say that kids don't know anything about age. Sure, 15 sounds old, but really, it's not. I'm 17, always been single but still doesn't feel old enough. Okay, maybe a little.

It's cliche but it's true, age are just numbers. When I was 7, I always thought how 10-year-olds think. When I was 10, I always thought how 13-year-olds think. When I was 13, I always thought how 17-year-olds think. And what did I learn? Well, you really won't feel like you're 10 or 13 or 17 just like that. It's not like, *poof* I'm 17 today, I think more mature than yesterday. Hell no. You won't even feel the change in you until you're about to have your birthday again. I'm 17 but still feels like who I was last year.

So why the pressure on having a boyfriend? When my mom calls from the US, she never fails to ask me if I already have one. And everytime, my answer would be no. And everytime, she would ask why. For heaven's sake, I'm only 17. It's not like im 50 or something. I'd be panicking if I was 30 and still never had a boyfriend. Hello? I haven't even reached the legal age and I feel as if I NEED to a have one.

I am not a hypocrite. I won't tell you that I am not curious on how it is to be in a relationship. With everyone around me currently in one or having been in one, I also can't help but wonder. Is it the same as the one in stories? Does it have the same kilig factor? It's the things I want to know and yes, experience. But not now. Someday, one day.

On February 14, 2007, I would celebrate my 17th year of Valentines with no boyfriend, no love life. But who knows, maybe the 18th will be different.

Ayeen scribbled her way at5:42 PM