<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d38108047\x26blogName\x3dall+the+world\x27s+a+stage\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://sensible-gobbledygook.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://sensible-gobbledygook.blogspot.com/\x26vt\x3d-6600818924577467202', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

January 28, 2007


closure
*note: The lines you will be reading were not made by me. These came from an article in peyups.com. Go here to read the complete article.

Mere words cannot express how I felt for you. But who knows, maybe you aren't the last one. Maybe the last is somewhere out there, someone I'll meet on a busy street corner, or someone I've met ten years ago in the sandbox. Or, he's just a figment of my imagination, and love doesn't really exist.

I have moved on. Moreover, I have let go. Of you, of me, of what once was, and of what never will be.

But I have yet to find closure -- and I will when you answer just one last question. Call me what you want, but I sincerely refuse to believe that 'no' is not the answer.

Did you, even just for a split second, love me back?

...just answer me with a yes and I will forever let us go.

Ayeen scribbled her way at8:36 PM

January 26, 2007


stereotyping is complete BS
Why do people like stereotyping people? Why do people like generalizing people? I hate stereotypes! Stereotyping is just complete bull sh*t.

COURSE STREOTYPING

I passed UP, Ateneo and La Salle-Manila. All of which, I passed my first course choice, AB Comm Arts. I don't know where people get the idea that when you go into this course, "You're beautiful and that's all." At least, Zyrah told me that. And the perception that this course is for people who are not good in Math...and bla bla bla. In short, that this course is for those who are not intellectual enough to take up other "good" courses such as engineering or medicine or accounting or whatever they want to call THE GOOD courses. How many people told me not to take up this course because my future will be wasted? Screw them.

Okay, so a lot of people take this course. It's easy to get into when you apply for college. What you learn here are merely skills, which as Zy said, are innate in human. It's AB and not BS. No jobs. No future. Whatever. They don't know anything.

Don't they know that it's not just about math and science? So what if some people are not so good in x+y+z? So what if they're not so good in calculating the gravitational force of other planets? Does that makes them less intelligent? That's why there are multiple intelligences. You can't blame other people for being better in arts and language than in math and science, can you?

And don't forget that choosing one's course involves one's passion for it. Can I see myself as an engineer? HELL NO. Can I see myself as an accountant? Can I see myself as a surgeon? DEFINITELY NOT. But can I see myself working as a writer or being an advertising executive? YES. Yes, I can. This is what I want. This is one of my passions.

Who cares what other people say about what I want to take up? Who cares what they think? They want to think that people who are in this course are stupid? Fine. But they better think twice. Just because the society we live in today take more notice of math and science and think lowly of humanities, doesn't mean that artsy people are not good. I remembered what Ms. Kathy said, before, in Aristotle's time, humanities is what's important that's why everyone needed to learn how to play a musical instrument and how to do visual arts.

SCHOOL STEREOTYPING

Pag tinanong kung saan ka nag-aaral, at sumagot ka, ganito ang reaksyon ng mga tao:

UP- "Wow, UP! Ang galing mo naman! Ang talino mo ah! Iskolar ka ng bayan!"

ATENEO- "Ateneo? Sosyal ka naman! Magaling ka sa Math and English noh?! Ang hirap pumasa dun eh! Mayaman ka rin noh?! Ang mahal ng tuition dun!"

LA SALLE- "Ahhh. Okay. Yaman mo naman!"

Kung sino ka ay dedepende sa kung saan ka nag-aaral.

UP - intelihente, aktibista, mahilig sa gulo, walang ginawa kundi mag-rally, may pagka mayabang dahil taga UP at tingin nila sa sarili nila sila ang pinaka matalinong nilalang na ginawa ng Diyos.

Ateneo - mayaman, matalino, mayabang, fashionista

La Salle - hindi pumasa sa UP o Ateneo, mayaman, mayabang, mahilig mag-party, fashionista

Heto na lang ba ang kayang gawin ng mga tao ngayon? Hindi lahat sa La Salle ay hindi pumasa ng UPCAT at ACET. Hindi lahat sa Ateneo at La Salle ay mayabang. Porket mayaman sila, mayabang na? Hindi yata. Hindi rin lahat ng na sa UP ay aktibista at mahilig sa gulo.

Ano ba ang alam ninyo? Hindi niyo naman kilala lahat ng tao sa mga unibersidad na ito para sabihing ganito ang mga tao doon. Nakaka-inis! Humanap na nga lang kayo ng ibang gagawin niyo. Maglinis na lang kayo ng bahay o kaya kahit manood na lang kayo ng TV kesa naman satsat kayo ng satsat sa mga bagay na hindi niyo naman talaga alam.

torn


UP or DLSU? Ang UP ay UP, mura pa. Pero kulang sa gamit. Pero maganda daw ang training sa UP. Mahal naman sa DLSU. Pero maganda ang gamit. EWAN.

Pero malamang, sa UP ako mag-aaral. Sa totoo lang, sa UP na nga ako mag-aaral. UPLB. Haaay, pinapangarap ko pa naman dati pa na mag-aral sa DLSU. Oh well.

Ayeen scribbled her way at4:57 PM

January 19, 2007


the longest week
I feel that this week has been the longest week. EVER.

I thought Wednesday was Thursday and Thursday was already Friday, only to find out that no, I still have one more day to wake up early and go to school. So frustrating. I didn't feel like going to school at all.

We had exams from Monday to Thursday. We had to have our last day of periodicals yesterday because Wednesday was alloted for the NCAE. What the hell is the NCAE for anyway? The DepEd should have given that earlier, not when we already have our career plans. It defeats the purpose of CAREER ASSESMENT. And what was the Enterpreneural Skills Assesment about? Were we suppose to answer what was the best thing to do to earn money? I mean, what if I didn't want to make use of the hanger for selling longganisa? What if I didn't want to sell those shells I got on the sea shore? WHAT IF I DIDN'T WANT TO BE AN ENTERPRENEUR?!

As I was saying, we had our periodicals last Monday, Tuesday and yesterday. I really only studied for Math and I think I'll still fail it. I feel like I've wasted my time studying for Math when I could've studied for Health and Eco. Mabuti na lang talaga at ang panghuhula powers ko ay malakas at nahulaan ko ng tama halos lahat sa Health. Sinasabi ko na nga ba eh, may potential akong maging susunod na Nostradamus.

Anyway, today, we only practiced for the Employee's Day. No, actually, we practiced the kids assigned to us. It was tiring. Very tiring. Oh yeah, I didn't like some of the kids we were teaching. There was one who was know-it-all and another one who thinks she's so good in dancing when she can't even follow the beat. WTH. Ang aarte pa, buti sana kung medyo mapagkumbaba pa sila eh. Hindi, tropa talaga sila ng mga batang akala kung sino silang sobrang galing at sinasabihan na hindi marunong ang iba nilang kasama.

Oh yeah, Mela did something stupid today. She told Clarice (Mikko's younger sister who was with the grade 4 students we taught awhile ago) that I had a crush on Mikko. She even told Clarice to tell Mikko that Ayeen Karunungan likes him. OH GOD. And when I told Clarice not to believe Mela, Clarice told me she believes in Mela's words of wisdom.

Mela, you are sooo dead.

Ayeen scribbled her way at7:46 PM

January 13, 2007


talangka
Crab mentality- isang mentalidad kung saan ang mga tao ay umaastang tulad ng mga talangka.

Paano nga ba umasta ang mga talangka? Ang mga talangka, kapag nakulong sa isang lugar, gagawin ang lahat para lang makaalis sa kanilang kinaroroonan. Karaniwan, ang isang talangka ay hihilahin pababa ang kanyang kasama upang mauna sa paglabas. Wala pakundangan. Iniisip nila ang kanilang sarili. Manghihila ng iba pababa upang maka-angat. Ganyan ang mga talangka.

Napansin ko lang, may isang programa na nagpapakita ng perpektong halimbawa ngcrab mentality, ang Game Ka Na Ba?. 'Yung tinatawag nilang atras powers ay nagpapakita kung paano kailangang manapak ng ibang tao para lamang maunang manalo ng sampung libong piso at makapasok sa jackpot round. Ano naman kaya ang naisip nila para isama sa laro 'yun?

Hindi patas para sa iba ang ganun. Oo nga, para sa ibang wala masyadong alam, magkakaroon sila ng pagkakataon para ibaba 'yung iba at manalo. Pero paano naman 'yung iba? Paano 'yung iba na pinaghirapan para maka-abante? 'Yung iba na pinag-isipan ang kanilang mga isasagot? At pagkatapos, maaari nilang paatrasin ka ng sampung beses, dalawang atras powers sa bawat kalaban mo. Bakit? Kasalanan mo bang magaling ka? Eh 'yun nga 'yung purpose ng laro eh, para manalo ang pinaka magaling sa lahat; ang karapat-dapat. Hindi para manalo ang pinaka-magaling magpaatras.

Oo nga, diskarte na kung diskarte. Oo, kailangan marunong kang dumiskarte sa buhay. Pero kailangan ba talagang meron ka munang tapakang tao para lang makarating sa tuktok? Para lang magtagumpay? Tsk. Kawawa ka naman pala. 'Yun lang ba ang kaya mong gawin? Hanggang dun na lang ba? Ganun ka ba ka-desperado?

Hindi ko alam kung marami sa mga Pilipino ang isip-talangka. Sa nakikita ko, mayroong iilan, ngunit hindi naman marami. Hindi ko alam kung tama ako, pero kung oo, mabuti naman. Karamihan naman sa mga Pinoy na isip-talangka ay 'yung mga na sa gobyerno na gagawin ang lahat maka-upo lang sa pwesto.

Sana lang huwag nang dumapo pa ang sakit ng pagkakaroon ng isip-talangka kay Juan dela Cruz. At kung meron mang mangilan-ngilan ay sana huwag nang kumalat pa.

on a lighter note


May bago akong crush. At hindi pa niya alam na crush ko siya. Pero nararamdaman kong malapit na, malalaman din nun. Alam na kasi ng best friend niya. Haha. At ang alam pa, kinuha ko 'yung picture niya sa friendster, ginawang avatar sa ym at sinabi ko na boyfriend ko siya. Woohoo. Ang galing ko talaga. Pahiya nanaman ako. Haha Pero ayos lang, para maiba naman, ayos lang na alam ng crush ko na crush ko siya. Lagi na lang kasing sikreto. Sawa na ko. Haha

Ayeen scribbled her way at8:25 PM

January 09, 2007


just so you know
by Jesse McCartney

I shouldn't love you but I want to
I just can't turn away
I shouldn't see you but I can't move
I can't look away

I shouldn't love you but I want to
I just can't turn away
I shouldn't see you but I can't move
I can't look away

And I don't know how to be fine when I'm not
'Cause I don't know how to make a feeling stop

[Chorus:]
Just so you know
This feeling's taking control of me
And I can't help it
I won't sit around, I can't let him win now
Thought you should know
I've tried my best to let go of you
But I don't want to
I just gotta say it all
Before I go
Just so you know

It's getting hard to be around you
There's so much I can't say
Do you want me to hide the feelings
And look the other way

And I don't know how to be fine when I'm not
'Cause I don't know how to make a feeling stop

[Chorus]

This emptiness is killing me
And I'm wondering why I've waited so long
Looking back I realize
It was always there just never spoken
I'm waiting here...been waiting here


Just so you know, stupid moron. You stupid, stupid moron.

Shoot me.

tanga ako


Ilang katangahan na ba ang nagagawa ko nitong huling 5 araw?

Katangahan # 1:

Noong Miyerkules, may nararamdaman na ako na kakaiba. Nag-uumpisa nang sumakit ang lalamunan ko. Pero anong ginawa ko? Ayun, kumain lang naman ako ng sorbetes. Tapos inom ako ng inom ng malamig na tubig.

At noong nakaraang huwebes, gumising ako na masakit ang ulo ko na parang minamartilyo at na masakit ang lalamunan ko na parang kinakahig ng manok. Isang senyales na sisipunin ako. At ano ang dapat na ginagawa sa mga panahong ganun? Nagpapahinga 'di ba? Pero dahil nga tanga ako, lakwatsa pa rin ako. Ayun, sinamahan ko sila Mau at Judith sa interview nila kay Tita Dina. Tapos, pumunta pa kami ng Pavi para kumain ng tanghalian. At dahil talagang hindi pa ako nakuntento, habang pauwi kami ni Vianne, sumugod kami sa ambon- na naging ulan. Ano ang nangyari? Wala naman, natuluyan lang akong magkasakit. At hanggang ngayon ay inuubo pa ako at lalabas na ang baga ko kaka-ubo.


Katangahan # 2:

May koneksyon 'to sa katangahan # 1 ko. Noong Biyernes ay nanood ang kapatid ko, ang lola ko at ang ate namin sa bahay ng sine. Dahil nga may sakit ako, sinabi ko na hindi na lang ako manonood at magpapahinga na lang ako. (Nagpapakabait daw) At dahil parang napaka swerte ko talaga ngayong taong 'to, hulaan ninyo kung sino ang nakita ng kapatid ko? Wala naman. Walang kwentang tao. Ni hindi ko nga gustong makita 'yun eh. Si Anonymous lang naman. Si Anonymous na sa simbahan ko lang nakikita at na sana nakita ko sa Pavi kung tumayo ako ng kama at hindi ako nag-inarte. Siya lang naman. KAILAN PA ULIT KAYA DARATING 'YUN?! Ang bobo ko talaga.

Oo nga pala, may kasama raw babae. Sino naman kaya 'yun? Baka kapatid lang niya. O kaya pinsan. 'Yun lang 'yun. Huwag mag-isip ng kung anu-ano.


Katangahan # 3:

Isang gabi, nagkkwento ako kay Karel sa YM. Nang biglang may isang taong sobrang excited at nag buzz. At dahil sadyang henyo ako, hindi ko alam na kapag nag buzz pala, lilipat 'yung window mo sa taong nag buzz sa'yo. In short, nagttype na pala ako sa ym window nung nag buzz sakin. At na-send ko sa kanya ang dapat kay Karel ko isesend. Sasabihin niyo, "sus, 'yun lang eh!" Sana nga 'yun lang. Dahil idol ko talaga si Sakuragi sa pagka-henyo, 'yung na send ko sa kanya ay tungkol sa kanya. Oo, tungkol sa taong nag buzz sa akin. Buti na lang talaga at di niya inintindi 'yun. Salamat kay Lord. Dahil kung nagkataong tinanong niya ako tungkol dun, hindi ko talaga alam ang isasagot ko.

Katangahan # 4:

'Di ba nga may ubo ako? Para na akong asong ulol na kahol ng kahol at halos wala na akong boses. Pero henyo nga ako 'di ba? Daldal lang ako ng daldal. Ni ayaw kong pagpahingahin 'yung voice box ko. Nag-wewelga na nga ata. Gusto na mag resign. Tapos muntik pa kong kumain ng mangga. Buti na lang sumapi ata sa akin si Dexter at naisip kong makati nga pala sa lalamunan ang mangga. Pero kumain pa rin ako ng maanghang. At kahit na sinapian pa ako ni Dexter, hindi ako nagpapigil. Naitaboy ko ang kaluluwa ni Dexter sa katawan ko at sinabing kakain ako ng maanghang. Ayun, inubo ako ng inubo, na parang walang bukas. Pero hindi nga talaga ako nadadala, subo pa rin ng subo.


Ewan ko ba, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, parang palala ako ng palala. Ang dami ko nang katangahang nagagawa. Haha

Ayeen scribbled her way at7:54 PM

January 04, 2007


ano ba?
Ano ba? Ano ba? Ano ba?!

Hindi ko alam ang isususlat ako. Pero gusto kong magsulat. Bahala na. Magiging free writing na lang muna 'to. Hindi kailangang konektado ang mga isusulat ko. KAILANGAN ko lang talagang magsulat.

Naiinis ako. Sa sarili ko. Sa iyo. NAIINIS AKO. Sana alam mo. Teka, ano nga bang alam mo? WALA. Wala kang alam. Magugulat na lang ako kung may alam ka nga. Ewan ko sa'yo. Ewan ko sa sarili ko. Hindi ko alam. Bobo ako. Oo, bobo ako.

Matagal na. Ang tagal-tagal nang ganito. Sino nga ba niloko ko? Niloko ko sarili ko. Alam mo kung bakit? Kasi ayoko na. At gusto kong paniwalaan na wala na talaga. Kaya niloko ko ang sarili ko at pinasok sa kukote ko na wala na nga. Oo, bobo ako.

Sinong mag-aakalang hanggang ngayon meron pa rin pala? SINO? Teka, paano nga ba nag-umpisa 'to? Hindi ko rin alam eh. Basta parang magic. *Poof* ayan na. *Tada*

Naiinis ako kasi andyan nanaman 'yung salitang (Oo, salita ang tinutukoy ko dito at hindi tao. SALITA.) mahilig mang-asar. Na para bang sinasabing, "Ayeen, heto na ulit ako!" Pwes, hetong masasabi ko sa'yo: "Umalis ka na, hindi kita kailangan! Hindi ngayon. Hindi ulit. Hindi nanaman. Sa susunod ka na lang bumalik kapag may iba ka ng ipnag-aasar sa akin. Pwede ba?" Pero ano naman ang panlaban ko sa salitang 'to? Eh talo pa ang bala kapag tumagos sa katawan mo.

Bakit ba hindi ako pwedeng maging normal na tao? 'Yung taong nakakalimot na lang? Pwde ba 'yun? 'Yung sa isang taong pagtatago eh makakalimot na. Ooooh, sana pala may amnesia na lang ako. Pwede ba 'yun? Ipukpok niyo nga 'yung ulo ko sa semento. ULO?!

Naiinis ako. Hindi na talaga 'to pwedeng magtuloy-tuloy. Dapat nang tumigil. Masyado nang matagal, wala naman akong napapala. Kulang pa ba 'yung mga ginawa ko para matigil 'to? Bakit? Ano pa ba ang dapat gawin? ANO PA?!

Lahat sila may sinasabi. Eh ano naman? Buti sana kung totoo 'yun. Eh hindi naman eh! Hindi, hindi, hindi!

At ang kinaiinis ko sa lahat eh lahat na lang binibigyan ko ng dahilan. Bobo talaga ako. Kahit kailan. Wala namang dahilan, dinadahilanan ko pa. Wala namang kahulugan, binibigyang kahulugan ko pa. Hindi naman ako dictionary. Ano naman ang maibibigay kong kahulugan? Bobo.

Sino kayang pwedeng tumulong sakin? Kailangan kong magsalita. Hindi naman ako pipi. May dila naman ako. Hindi naman ako mahiyain. Nakapagsalita pa nga ako sa harap ng buong highschool department para sa extemporaneous speaking contest at nanalo. Pero pagdating sa ibang bagay, tumitiklop ako, umuurong ang dila ko, napipipi ako. Sabihin niyo nga, abnormal ba ako? ABNORMAL BA AKO?

Sino ba talaga ako? SINO? Ikaw, anong tingin mo sakin? Oo, ikaw. Ikaw na nagbabasa (at hindi nagbabasa). Sino ako? Sino ako sa'yo?

Hindi ko alam kung matutuwa ako. Hindi ko alam. Sana nilinaw mo 'di ba? Oo o hindi lang naman. Mahirap ba? MAHIRAP BANG MAGSABI NG OO AT HINDI? Gaano ba kahirap un? Para naman alam ko.

Saan ba ang lugar? Saan? Sana alam ko. Para mapuntahan ko na at matapos na.

Bingi ka ba? Ah, hindi. Pipi nga pala ako.

Ang bagal ng internet. Mas lalo tuloy akong naiinis. Ano ba?! Kailan ba magtitino 'to?! Malas talaga. Busy ba? BUSY?! Lagi naman eh. Bakit sa iba naman hindi?

Matagal-tagal ko na ring hindi nararamdaman ang tindi ng kagustuhang magsulat. Para akong uhaw sa pagsusulat kanina. Na hindi naman talaga alam kung ano ang isusulat. Nakakatuwa. Matagal ko ring ginustong maramdaman ulit to.

Ayeen scribbled her way at8:22 PM

January 01, 2007


happy 2007!
Kamusta naman ang New Year ninyo?

Isang nakakabinging taon ang sumalubong sa akin. Hindi lang nakaka bingi, nakaka suffocate pa. Sa dami ng paputok dito kagabi, hindi mo na alam kung saan ka titingin. Hindi lang 'yun, nagpapasabog pa ng boga 'yung mga kapitbahay ko. Himala nga at may tainga pa sila. Masyado silang masaya.

Sa sobrang kasiyahan nila, umakyat pa sila sa bubong ng tindahan nila Nono at nagsisigawan kami para lang magkarinigan. Kamusta naman 'yun? At syempre, dahil gago talaga si Ian, papasabugin pa daw niya 'yung boga sakin. Takutin daw ba ko? Hindi naman ako natakot dahil alam kong kahit gaano pa siya ka-gago, hindi niya naman talaga kayang gawin 'yun. Gago lang siya, pero na sa tamang pag-iisip pa rin naman. Oo, sa lagay niyang 'yun, na sa tamang pag-iisip pa siya. Kaya matakot kayo pag nabaliw na siya.

Ang alam ko ilegal na ang boga. Hindi ko nga alam kung bakit dito samin legal pa rin. Wala talagang kwenta ang mga opisyal dito. Walang kwenta si Barangay Captain. (Ows? May Barangay Captain pala kami.) Ni hindi ko rin alam na may SK pala dito samin. Biruin mong halos tatlong bahay lang ang layo ni Mr. Barangay Captain sa amin eh hindi ko pa rin maramdaman ang presensya niya dito. Ano naman kaya ang ginagawa nun? Nagpapakasarap sa handaan. Sa totoo lang, wala naman akong nakikitang ginagawa niya kundi gawing mga taga-trapik 'yung mga kagawad niya. Pagkatapos nun, *poof* asan na kaya sila? Magic.

Hello, Mr. Barangay Captain! Manigong Bagong Taon! New Year's Resolution mo na lang ang mag-unat-unat diyan at gumawa ng mga dapat mong gawin, ok ba?

Nagsimba kami kagabi. At wala nanaman siya. Hindi na nagpapakita. Saang lupalop naman kaya ng mundo nagsuot 'yun? Hmmm Nakakita ako ng mga halimaw. At ng isang bulate. Na walang ibang alam na kulay kundi itim. Kawawa naman.

Masaya naman. 'Di hamak na mas masaya kaysa nung Pasko.

screw me


I am officially the most stupid person here in the Milky Way Galaxy. Seriously. So screw me.

I've been so stupid. Stupid not to believe. Stupid to have acted stupid enough that I didn't understand what the hell was going on when in fact I did. Stupid not to ask. Stupid not to speak. Stupid to think about it even after almost two years. STUPID.

See how stupid I am? It's been almost two years for heaven's sake! Almost two years and I can't stop thinking about it. The questions in my mind which have been there before are still here, and *tada* they're haunting me. Questions I know I can never have any answers anymore. Because I didn't ask when I should have and now, there's no more chance.

And I don't like what's happening right now. I was sure. I was so sure until recently. What the hell is happening again? Stupid little me. But then again, when I think that EVERYTHING isn't just what it was before, that there have been changes and that even after all these time, nothing has happened and it would've happened if it was meant to happen, everything dissolves. Just like that.

I mean, who am I kidding? Right now is just a hell lot different than before. SCREW ME FOR THINKING STUPID THINGS. But how do you stop it? Someone tell me how to stop it.

Ayeen scribbled her way at6:04 PM